Watchutink Kat?

“Seasons” – Netflix Film Reflection

Minsan ‘yung ulan, hinahatak ako mag-sulat, madalas hinahatak ako sa kama. Haha. Wala lang ‘to. Wala ka makukuha dito. I just need to write this down.

Holding your feelings for someone you love can be a challenging situation, especially if you are worried that you might jeopardize the friendship. Uyyy, interested. Sabi ng wala lang ‘to eh. Tigil mo na pagbabasa mo.

Well, wala naman talaga ko balak panuorin ‘yung film, eh kaso si Carlo Aquino ‘yun eh. Haha! Kaya kahit wala talagang balak, sinabi ko sa sarili ko “meron, meron, meron”! Ay, ang corny na. Bakit ba kasi nagbabasa ka pa rin? Diba sabi ko wala lang ‘to?

Ok, so ‘yung story ng film revolves around the journey of two best friends, Charlie (Lovi Poe) and Kurt (Carlo Aquino). Typical plot ng rom-com film sa mag best friend, naglalaro ng tagu-taguan… tagu-taguan ng feelings. Pinu-push nila ang isa’t-isa sa ibang tao kesa harapin ‘yung nararamdaman nila para sa isa’t-isa. Classic! Nung meron naging seryoso dun sa nahanap nila, ayun may nasaktan na. Nahirapan si Charlie makita ‘yung best friend niya na masaya kasama ang iba. It finally got to the point where Charlie realized that she really loved Kurt. Out of desperation, nag-sinungaling si Charlie kay Kurt at doon nagsimula ‘yung conflict. Oh, hanggang dito na lang ah, I’m really not good at giving synopsis, baka ma-spoil ko pa.

Ang habaaa ng intro, eh gusto ko lang naman isulat ‘yung reflection ko sa film. Nakaka-miss din kasi ‘yung high school days na kailangan mo mag-submit ng reaction paper. Hahaha!

Please allow me to share my reflections on the film’s story in five points:

  1. Self-Reflection – Take time to understand your own feelings. Bakit nga ba sa tingin mo eh na-develop ‘yang romantic feelings mo para kay beshie? Most importantly, consider the potential impact on your friendship. Minsan kailangan unawain kung saan ka nga ba nanggagaling? Saan nanggagaling ‘yung emotion mo? Baka naman dala lang ng ulan yan. Charooot!
  2. Communication – Sa sitwasyon na nakikipagbuno ka ng nararamdaman mo para kay beshie, mahalaga ang effective communication. Kung may magandang foundation ‘yung friendship niyo, magiging madali ang makapag-create ng atmosphere kung saan kayo ay magiging open at honest sa isa’t-isa. ‘Yung conflict nung film eh andun sa pagsisinungaling ni Charlie kay Kurt. Sa kahit na anong relationship pa ‘yan, may it be with friends, family, or romantic relationship, basic ‘yan, hindi ok ang mag-sinungaling.
  3. Manage Expectations – Be prepared. Manage your expectations regardless of the outcome. Ok kung maging favorable sa’yo ‘yung sagot ni beshie, eh pano kung hindi? Be ready to respect their decision and be prepared to continue the friendship without romantic involvement kung ‘yun ‘yung bet nila.
  4. Seek Support – Iba pa rin talaga ‘yung meron kang support system. Talk to someone you trust. ‘Yung hindi ka syempre ima-marites sa iba. Haha! Someone whom you think can provide guidance, practical advice, and emotional support na din. Iba pa rin ‘yung meron kang ibang perspective dun sa sitwasyon.
  5. Self-Care – Naku, madalas natin naririnig o nababasa ‘to. Sarili muna, bago ang iba. Take care of yourself emotionally and mentally beshie. Acknowledge and validate your emotions. Give yourself permission to feel and process them without judgment. Essential ‘yan para sa overall well-being natin bes, ‘yan kasi ‘yung magpapalakas sa emotional resilience mo, in-short makakatulong ‘yan para hindi ka maging marupok. 🙂

Alam niyo, Extraction II talaga ‘yung dapat gagawan ko ng review eh, ewan ko ba bakit ako nauwi sa Seasons. Chos! Kidding aside, I just want to remind everyone to honor our feelings and prioritize our well-being. Ayun lang. Have a great weekend! Keep safe. 🙂

KAT-hang Isip Lang

2AM

Nasa draft pa rin ng “Notes” ko ‘yung farewell letter ko para sa’yo. Wala pang lakas ng loob tapusin. Pero I need to publish this one para lang ma-save ‘yung date for archiving purposes.

Nagising ako ng 2AM na humihikbi kanina. Nalilito at napatanong nasaan ako? It took me 5 seconds to realized na wala ako sa bahay at kasalukuyan nasa bakasyon kasama ang mga college friends ko. A weird time and a weird situation to once again dream about you. Hindi ko alam kung galing nga ba sa’yo ang mensahe o gawa-gawa lang emahinasyon ko. Hindi ko na maalala nasaan ako sa eksena, basta ang alam ko medyo madilim at may mga tao sa paligid ko nang biglang may nag-abot sa akin ng pinunit na puting papel na may nakasulat na… “Please embrace Kat for me”.

Mabilis ang pangyayari. Hindi ko na makita ‘yung taong nag-abot sa akin ng papel para tanungin kanino galing ito, pero kumbinsido ako, sa’yo galing ‘yun. Well, ‘yun ang naramdaman ko sa panaginip, pwedeng mali ako o mali talaga ako.😂 Hoy, tulungan mo naman ako, I am really trying my best not to think of you anymore. Hindi ko alam what triggered me para mapanaginipan ka na naman. Siguro kailangan ko na tapusin ‘yung farewell letter ko sa’yo para tuluyan na ako maka-usad.#

KAT-hang Isip Lang

2008

“Alam n’yo parehong alam n’yo pareho ang totoo n’yong nararamdaman pero pareho n’yong hindi ipapaalam at alam n’yo ring pareho n’yo lang na di ipinapaalam sa isa’t isa hanggang di n’yo na alam ang totoo n’yong nararamdaman.” ~ Edgar Calabia Samar

Ngayon lang ako nakahanap nang magsasalarawan sa sitwasyon natin labindalawang taon ang nakalipas.

KA[p]TURED

Everland, South Korea

© All photos are my personal shots and for personal use only. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to Katkat Muñoz and [KAPTURED] with appropriate and specific direction to the original content.